Ang Alamat Ng Gagalangin

Noong panahon ng Kastila ay kakaunti lamang ang mga lugar na may pangalan. Hirap magbigay ng pangalan ang mga matatanda kaya sila ay nagtitiyaga na lamang kung ano ang kanilang narinig o nakita.

May mga Kastilang napadako sa isang lugar sa Tondo. Naglabas sila ng mga armas. Nagtaka ang mga Pilipino kung bakit naglabas ng mga armas ang mga kastila gayong hindi naman sila nakikipaglaban. Ang ginawa ng mga tao ay lumapit sa mga Kastila at sila ay nagmano. Waring napahiya ang mga Kastila sa ginawi ng mga tao.

Sa pamamasyal ng mga Kastila ay nakita rin nila ang kakaibang paggalang ng mga Pilipino. Ang pag-aalis ng sumbrero kapag may nasalubong, pagyukod sa may kapangyarihan, pagtulong ng mga bata sa matanda, ang paghalik sa kamay ng matatanda at ang pagsagot ng "po at opo" kapag nakikipag-usap sa matatanda at mga di-kilalang mga panauhin. Lalo pa silang natuwa nang iutos ni Raha Matanda sa mga kalalakihang Pilipino na tumulong sa pagkumpuni sa nasirang bapor ng mga Kastila.

Sa panahong inilagi ng mga Kastila sa lugar na iyon ay, nasaksihan at naramdaman nila ang pagiging mabait at matulungini ng mga Pilipino. Sa utos lamang ni Raha Matanda ay isang taong kumilos ang mga tao. Ginamot, nila ang mga nasugatang sundalong Kastila, binigyan ng maginhawang tulugan, pinakain at ianalagaan hanggang.

Nang paalis na ang mga Kastila, sila ay lungkot na lungkot dahil sa parang ayaw na nilang lisanin ang lugar na iyon. Doon nila nadama ang paggalang ng kanilang kapwa tao. Ang pagkamagagalangin ng mga Pilipino sa lugar na iyon ay ipinamalita ng mga Kastila saan man sila mapadako. Lagi nilang isinasalaysay ang kanilang karanasan sa lugar ng "Magagalangin." Sa paglipas ng panahon ang lugar na iyon sa Tondo ay tinawag na "Magagalangin" at dahil sa pasalin-salin ng bibig ay naging "Gagalangin."