Sa isang panig ng ilog-Pasig, sa tapat ng simbahan ng Guadalupe, sa lalawigan ng Rlzal, ay may nakausling malaking bato sa tubig. Ito ay ginagawang labahan ng mga babae.
Sang-ayon sa isang matandang alamat, isang lalaking intsik ang nangahas maligo sa ilog na ito. Sa kabila ng babala ng isang babaing taga-Guadalupe sumige pa rin siya sa paliligo. Hindi siya naniniwala na may malaking buwaya na lumilitaw doon at nangangain ng tao.
Sarap sa paliligo ang lalaking intsik nang di kaginsa-ginsa'y biglang lumitaw ang isang malaking buwaya mula sakabilang pampang. Mabilis na lumangoy ang buwaya papalapit sa lalaking intsik.
Walang magawa ang mga nakakakita sa mga pangyayari samantalang ang lalaking intsik ay hindi makakilos sa matinding sindak at takot.
"O, San Nicolas! ikaw ngayon tulong akyen. Ikaw ngawa awa sa akyen. Ikaw ngawa isa milakro! Ngawa mo mato sa muwaya! ang sigaw ng nahihintakutang intsik.
Labis na ikinagulat ng lahat. Pagkawika ng intsik ng ganitong pangungusap, ang buwaya ay naging bato nga.
Maabilis na kumalat ang balitang iyon hanggang sa Maynila. Ang grupo ng mga intsik ay lumikom ng pera upang makapagpatayo ng isang simbahan sa tapat ng pinangyarihan ng milagro. Ibinigay nila ang nalikom nahalaga sa mga Kastila para siyang mangasiwa sa pagpapatayo ng simbahan.
Nang mayari ang simbahan, iniluklok nila ang imahen ng San Nicolas sa altar, Ang pangyayaring ito ay ipinagdiriwang taun-taon at dinarayo ng mga tao mula pa sa malalayong pook.
Subalit hindi lang ang simbahan ang nakakatawag pansin sa mga nakikipamiyesta doon, kung di pati na ang nakausling bato sa atapat nito naanimoy gulugod ng isang malaking buwaya.
Ang pook na ito ay tinawag na Buwayang Bato bilang pag-gunita sa milagrong naganap. Hanggang sa ngayon ay dinarayo pa rin ng mga tao.