Sa bahaging Bisaya ng Pilipinas ay may isang bundok na naghahati sa Silangan at Kanluran nito. Ito ay ang bundok ng Kanlaon. Bakit kaya ito pinangalananng Kanlaon? Basahin natin ang kuwento.
Noong mga unang panahon may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Wala itong pinatatawad. Ang ulupong na ito ay may pitong ulo at ang labing-apat na butas ng ilong ay nagbubuga ng usok. Wari bang wala nang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang napapatay dahil sa pagbubuga niya ng apoy kapag siya ay nagagalit.
Kumunsulta si Haring Ma-ao sa mga pantas at isang manggagamot ang nagmungkahi na kailangang mag-alay sa ulupong ng isang magandang dalaga upang ito ay mapatigil sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng pari sa mamamayan ang utos na iyon. Sa takot nilang sila ang ialay, nagpinta ng mukha ang mga dalaga. Lahat sila ay pawang pumangit na.
Makalipas ang ilang buwan, bigong bumalikang pari at "Wala na pong magandang dalaga. Nasunog na ang kanilang balat at mukha nang abutin sila ng apoy na ibinubuga ng ulupong. Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito," pagbabalita ng pari kay Haring Ma-ao.
Nalungkot ang Hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari. Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Ipinahayag niya sa Hari ang kanyang nasang pagtulong na puksain ang ulupong. Napangiti si Prinsesa Talisay at nawika niya sa sariling, "Salamat, ipagdarasal ko ang kanyang tagumpay at kaligtasan. Napakakisig niya."
"Matapang ka magiting na binata. "Kung mapapatay mo ang ulupong ay magiging iyo ang kalahati ng aking kayamanan at ang aking kaisa-isang anak na si Prinsesa Talisay ay ma papasaiyo," may pag hangang wika ng Hari.
Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa kanyang paglalakbay patungong bundok ay nasalubong niya ang Langgam. "Hoy, langgam, ako si Laon. Sabihin mo kay Haring Langgam na may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok at papatayin natin ang namiminsalang ulupong. Ito ay para rin sa inyong kapayapaan."
Gannon din ang sinabi ni Laon kay Haring Buboyog. Haring Lawin naman ay nag wikang. "Handa kaming tumulong, Haring Khan Laon. Sabihin lamang ninyo ang aming gagawin."
Nagsisugod silang lahat sa bundok. Doon nagahap ang isang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa dami ng langgam. Kinakagat nila ang mga pagitan ng kaliskis, singit at leeg ng halimaw. Tinutusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng ulupong. Hindi nilapansin ang ibinubugang apoy ng kalaban. Patuloy sila sa kanilang pakikipaglaban
Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amaing si Datu Sagay. Nagpasiya si Datu Sagay na sundan si Khan Laon upang pigilan na ito sa iba pa niyang binabalak na gawin. Ipinagsisigawan naman ng taong bayan na si Prinsesa Talisay ang ialay sa ulupong kapag nabigo si Khan Laon sa labanan.
Si Datu Sagay at ang kanyang mga kawal ay nakarating sa bundok. Inabutan nilang dinudukot ng mga lawin ang mga mata ng halimaw. Lumapit si Laon at tinagpas ang mga ulo ng ulupong.
Nasaksihang lahat ni Sagay ang mga ito.
Nakabalik sa kaharian sina Khan Laon, mga langgam, mga bubuyog. Tuwang-tuwang ibinalita ni Datu Sagay ang kagitingan ni Khan Laon.
"Haring Ma-ao ang lahat po ng ito ay hindi ko magagawa kung wala ang mga kaibigan kung langgam, buboyog at lawin. Sila ay ating pangalagaan sapagkat sila, tulad natin ay nilikha rin ng Diyos. Maraming salamat sa inyong lahat mga kaibigan ko ang sabi ni Laon.
Noon din ay ibinigay ni Haring Ma-ao ang kalahating bahagi ng kanyang kayamanan at si Prinsesa Talisay ay naging asawa ni Khan Laon. Naging maligaya ang dalawa. At magmula nga noon, ang bundok na pinangyarihan ng kamatayan ng ulupong ay tinawag na Bundok Kanlaon upang bigyang karangalan ang kabayanihan ni Haring Khan Laon.