Noong Araw, ang tinola ay wala pang sayote dahil wala pa talagang sayote sa mundo. May isang bata na ayaw na ayaw kumain ng gulay. Ulila na siya. Ang tanging nag-aalaga lamang sa kanya ay ang kanyang nakatatandang kapatid na Babae. Mahilig siyang magluto ng tinolang manok kahit alam niyang di kumakain ng gulay ang kanyang kapatid. Kakainin lamang niya ang manok, subalit ang gulay ay pinapaubos lagi niya sa kanyang ate. Sinasabi niya "ang gulay ‘te ay para sa 'yo".
Sa tuwing maaaring tinola ang nasa hapag-kainan, ito ang kanyang sinasabi ukol sa mga gulay, "te sa'yo".
Isang araw, dumalo silang magkapatid sa piyesta at siyempre maraming handa. Napakasiba ng bata, naka-ilang plato ng kanin at Ulam ang kanyang naubos. Tulad ng dati, ang lahat ng gulay ay "te sayo".
Habang kinakain ng kanyang ate ang kanyang mga itinirang gulay, bigla na lamang itong na-empacho, subalit pag Takbo Niya sa palikuran, ina-take sa puso sa nashogbak. Dahil walang pera ang bata, tinadtad na lamang Niya ang katawan ng kanyang ate, at ginawang pataba sa kanilang taniman ng gulay. Isang Araw, maaaring tumubong kitang kakaibiang tanim na maaaring kakaibang bunga, na animoy peras na luntian na pagka-pangit-pangit. Sabi ng bata "ay, simpangit ng ate ko", subalit bigla siyang naluha dahil namiss Niya ang ate niyang mukhang ang gulay. Pinangalanan Niya ang kakaibang bunga ng "sayote" sa karangalan ng kanyang ate.