Sa isang barangay ay may magkasintahan na labis na nagmamahal sa bawa't isa. Sila ay sina Juana at Aging. Bagama't tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan ay patuloy pa rin sa pagniniig ang magkasintahan.
Minsan, galing sa bukid ang ama ni Juana nang matanawan nito sa bukas na bintana si Aging. Biglang nagsiklab sa galit ang ama ni Juana. Hinugo nito ang tabak at tinaga ang braso ni Aging. Naputol ang braso ni Aging. Tumakbo ito at tumakas. Hinabol siya ni Juana, umiyak at tinatawag si Aging. Nang hindi na siya matanaw si Aging ay binalikan niya ang putol na braso ng kasintahan at ibinaon sa kanilang bakuran.
Kinaumagahan, nagulat ang ama ni Juana sa isang halaman na biglang sumulpot sa kanilang bakuran. Ito ay kulay luntian, may mahahaba at malalapad na dahn. Kulay dilaw ang bunga nito na animo'y kamay at mga daliri ng tao. Napasigaw siya sa labis na pagkagulat.
"Juana, Juana, pumanaog ka nga." Tawag niya sa anak. "Anong uri ng halaman ito, ngayon lang ako nakakita ng ganayan.
Pagkakita sa puno, naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging.
"Ang halamang iyan ay si Aging!" Wika ni Juana.
Magmula nga noon ang halamang iyong ay tinawag na "Aging" na di nagtagal ay naging "Saging".