Mahilig sa mga bulaklak si Mela. Sa katunayan, ang paligid ng bakuran nila ay punung-puno ng mga halamang namumulaklak. Siya ang nagtanim sa lahat ng iyon. Araw-araw, makiKita ang napakaraming mga,paruparo, bubuyog at tutubi sa halaman ni Mela. Katuwaan na ng mga bata at maging ng mga matatanda na panoorin ang mga iyon habang palipat-lipat sa pagdapo sa mga bulaklak. Dahil nalilibang sa paghahala-man, hindi na pansin ni Mela na nagkakaedad na siya. Bagamat may mga manliligaw ay gusto pa niyang i buhos ang panahon sa pagpaparami ng mga tanim kaysa usapin ng kanyang puso. Isang araw, may bakasyunistang na ligaw sa ha lamanan ni Mela. Natuwa rin ito at naaliw sa maramin mga tutubi, mga paruparo at mga bubuyog na masayang nagliliparan sa mga bulaklak. Nakipagakilala si Rommel, ang binatang taga Maynila kay Mela. Mula noon, araw-araw nang panauhin ni Mela si Rommel at ikinainggit ito ng ibang manligaw ni Mela. Isa na rito si Goyong, pinakamahigit niyang mangingibig. Minsan ay hinarang ni Goyong si Rommel at pinagbantaan. Ipinagkibit-balikat lang ni Rommel ang banta. Nagpatuloy siya sa pagdalaw kay Mela. Ang totoo ay natutuhan na niyang mahalin si Mela. Lalong nagalit si Goyong nang isang umaga ay makitang kasama ni Rommel si Mela galing sa pagsisimba. Walang sabi-sabing inundaya nito ng saksak ang binata ngunit hindi nito inasahan ang ginawa ni Mela. Biglang iniharang ng dalaga ang katawan kaya siya ang tumang-gap ng saksak na para kay Rommel. Agaw-buhay agad si Mela subalit bago nalagutan ng hininga ay inamin kay Rommel na mahal niya ito. Gayon na lang ang panggigipuspos ni Rommel. Matapos ilibing ang dalaga sa gitna ng halamanan nito ay hindi na bumalik ng Maynila ang lalaki. Siya ang pumalit kay Mela sa pag-aalaga ng mga halaman nito. Nais niyang ipadama sa pamamagitan noon na mahal na mahal niya ang dalaga. Isang araw ay napansin ni Rommel ang pagtubo ng isang ka-kaibang uri ng halaman sa mismong puntod ni Mela. Nang lumaki iyon ay namulaklak ng kulay pula. Inisip ni Rommel na iyon ang paraan ng dalga upang ipaalam ang kanyang pag-ibig sa binata. Ang bulaklak ay tinawag niyang mela ngunit kalaunan ay naging gumamela.